Sinas, hinimok ang DOLE na i-require ang national police clearance para sa mga transaksyon

Hiniling ng Philippine National Police sa Department of Labor and Employment na i-require ang national police clearances para sa iba’t-ibang mga transaksyon.

Sa isang sulat, ay iminungkahi ni PNP chief General Debold Sinas ang karagdagang bureaucratic layer, na tutulong umano sa DOLE na makakuha ng mas malawak na impormasyon kaugnay sa isang indibidwal.

Ipinunto rin ni Sinas na makakatulong ito sa pagkamit ng mas ligtas na lugar para sa lahat ng mga Pilipino at sa mga negosyo.

Hindi naman ipinaliwanag ni Sinas kung alin labor transactions makakatulong ang national police clearances.

Una nang ipinaliwanag ng Department of the Interior and Local Government na makatutulong ang National Police Clearance System para hindi na makakuha ng police clearance sa isang lugar ang isang tao na meron nang criminal record sa ibang lugar dahil magiging sentralisado na ang datos.

Samantala, sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello na pag-aaralan muna nila ang proposal habang ikokonsulta rin nila ito sa iba’t-ibang stakeholders.

Leave a Reply

Your email address will not be published.