Singapore, naiulat ang pinakamataas na bilang ng local COVID cases nito sa loob ng 10-buwan

Naiulat ng Singapore ang pinakamataas nitong bilang ng local coronavirus cases sa loob ng 10 buwan nitong Miyerkules, matapos ang pagkakadiskubre ng isang cluster na kinabibilangan ng hostesses at customers ng KTV karaoke lounges.

Sinabi ng health ministry na mula sa 56 na bagong community infections, ay may koneksyon ang 41 kaso sa KTV outbreak.

Patuloy naman iniimbestigahan ng ministry ang mga infections na nagmula sa Vietnamese hostesses na madalas magtungo sa KTV lounges o clubs.

Nag-alok na rin ng libreng COVID-19 testing ang gobyerno ng Singapore para sa lahat ng mga nagkaroon ng exposure.

Samantala, nagbabala naman ang health ministry na mananagot sa batas ang mga outlets na mahuhuling nag-aalok ng hostess services, dice games, o kahit anu pa mang aktibidad na nangangailangan ng close contact.

Matatandaan na inaresto ng mga pulis ang 20 kababaihan nitong Miyerkules kabilang na ang mga South Koreans, Malaysians, Thai, at Vietnamese dahil sa mga ilegal na aktibidad nito sa KTV lounges.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *