Singil sa kuryente ngayong March, posibleng may bawas – Meralco

Makakahinga ng maluwag ang mga consumers ng Meralco dahil inanunsiyo nito na posibleng may bawas-singil sa kuryente sa paparating na March billing.

Paliwanag ni Meralco Vice President and head of corporate communications Joe Zaldarriaga, bumaba kasi ang halaga ng kuryente mula sa kanilang supplier at sa buong electricity spot market.

Ayon kay Zaldarriaga, nakatulong din ang kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) hinggil sa refund order kaya may tapyas-singil.

Maaalalang noong Pebrero ay nagtaas ng singil ang Meralco sa halagang P0.57 per kilowatt-hour.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *