Singil sa Meralco, nagbabadyang magtaas sa Nov. bill

Nagbabadyang magtaas ang singil sa Meralco sa paparating na November billing.

Kabilang sa rason ay ang pagmahal ng kuryente sa electricity spot market, at gas na gamit ng maraming planta na nagsusuplay sa Meralco.

Samantala, iniimbitahan ng Meralco ang mga power generator na sumali sa competitive selection process o bidding sa kailangang suplay na inaabot ng 180 mega watts.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, pipiliin ng naturang kumpanya sa bidding kung sino ang may pinakamurang bid offer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *