Sinuspendeng LTFRB chairman Guadiz ibinalik na sa puwesto

Ibinalik na sa puwesto ang sinuspendeng Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Teofilo Guadiz III matapos bawiin ng nag-iisang testigo na si Jeff Tumbado ang akusasyon laban kay Guadiz.

Ayon kay The Department of Transportation sec. Jaime Bastista binawi ang 90 days suspension kay Guadiz base na rin sa utos ng Office of the President na pirmado ni executive sec. Lucas Bersamil.

Naging batayan ang pag-alis sa suspention order ang pagbawi ng salaysay Jeff Tumbado.

Nagpasalamat si Guadiz sa tiwala at suportang ibinibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ipagpatuloy ang pagbibigay serbisyo sa bansa.

Nangangako umano siya na ipagpapatuloy niya ang mataas na pamantayan sa integridad, husay, at katapatan sa pamumuno ng LTFRB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *