Sipocot, Camarines Sur hindi pa rin puwede magpalabas ng baboy kahit nakontrol naman ang kaso ng ASF-DA

CAMARINES SUR- Hindi pa puwedeng maglabas ng baboy ang Sipocot , Camarines Sur kahit na contained o nakontrol naman ang kaso ng African Swine Fever ayon sa Department of Agriculture- Bicol.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Love Guarin, tagapagsalita ng ahensya sa rehiyon, hindi naman na kinailangan magkaroon ng depopulation , namanage kaagad ang kaso. Una nang sinabi sa Brigada News FM Naga ng Sipocot Municipal Agriculture Office na gumagawa sila kaagad ng hakbang upang mapigilan na madagdagan ang apektadong Barangay.

Binigyan diin ni Guarin na mag-ingat pa rin ang mga hog raisers dahil  may mga kaso pa ng ASF sa Camarines Norte.  Maliban dito pinag-iingat din ang publiko sa pagbili ng letson na galing sa ibang lalawigan ang baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *