Sitwasyon ng COVID ward sa CNPH pag – uusapan ng IMT ngayong araw

CAMARINES NORTE- Inihayag ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na isa sa kanilang pag- uusapan ngayong araw sa operational period briefing ng Incident Management Team ay ang sitwasyon ng COVID ward ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH)

Sa panayam ng Brigada News FM Daet nitong umaga, sinabi Dr. Francisco na siya ring Incident Commander for Health, na isa ang isyung ito sa kaniyang bubuksan upang mapag usapan ang mga gagawing hakbang sa pagtugon ng probinsiya sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Matatandaan na inanunsiyo ng Provincial Health Office (PHO) noong Biyernes na hindi na muna tatanggap ng COVID- 19 patients ang CNPH matapos na maabot na nito ang full capacity.

Bukod sa puno na ang isolation ward ng ospital ay kulang na rin umano ito sa tao na mag aasikaso sa mga pasyente.

Pero ngayong umaga ay ibinalita ni Francisco na mayroong idi- discharge na pasyente kaya’t magkakaroon ng bahagyang pagluluwag ng COVID ward.

“Yung mga recovered patients natin pwede na nating i- discharge, pwede na nating dalhin sa step down facility at magkakaroon din ng mga pagluluwag diyan sa COVID ward,” ani Francisco.

“Ginagawa naman ng kaparaanan ng ating mga staff dun sa COVID ward at the same time mga doctors at kami dito sa pamunuan na kung paano natin makapag tanggap uli  ng mga pasyente dun sa COVID ward with the help of our Local Government Units, yung RHU yung kanilang mga municipal isolation unit at saka yung barangay units at saka yung ating TTMF ano,  na nag a-admit ng mga pasyente.”

Nakiusap naman si Francisco sa mga private hospitals na tanggapin ang mga COVID patients na nangangailangan ng admission.

“Yung mga covid patents na kailangang- kailangan na admitin siguro ang kaninag status ay for waiting ano, ibig sabihin kapag may lumbas ipapasok sila.”

“Ako po’y nakikusap sa mga private hospital na  i- accept itong mga pasyente na ito na ngangailangan ng admission sa kani- kanilang ospital.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *