Siyam na dam sa Luzon, nasa below-normal ang lebel

Bumaba sa “below normal” ang lebel ng tubig ng lahat ng siyam na dam sa Luzon dahil sa matinding epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon sa PAGASA, nasa general downward trend ang mga lebel ng tubig simula pa noong pagpasok ng 2024.

Humantong naman sa below normal levels ang lahat ng mga dam noong January 27 matapos lumubog ang Angat sa 211 metro.

Bukod sa Angat Dam, sinalubong din ng ibang dams ang bagong taon ng may mas mababang normal na lebel ng tubig.

Maalalang tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong nakaraang buwan na magiging sapat ang suplay ng tubig sa bansa ngayong tag-init sa kabila ng epekto ng El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *