Siyam na pamilya na naapektuhan ng demolisyon, natanggap na ang Certificate of Land Ownership mula sa LGU Naga

NAGA CITYNapasakamay na ng siyam na pamilya na apektado ng demolisyon sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City ang certificate of ownership sa lote na pagtatayuan ng kanilang mga bahay, matapos ngang mapaalis sila sa tinitirhang lugar na pag-aari ng provincial government sa likuran na bahagi ng NIA Regional Office 5.

Ang dokumento ay mismong ibinigay nina City Mayor Son Legacion, Engr.Rolando Campillos, head ng Housing Settlement and Development Office at Eric Salvino, shelter manager sa mga benipisyaryo kahapon sa opisina ng alkalde.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga nabigyan ng lote dahil sa may tatayuan na sila ng kanilang sariling bahay at wala ng magpapaalis sa kanila, tanging mga house materials na lamang ang kanilang hahanapin.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Campillos sa mga benipisyaryo na pagyamanin ang lote at huwag ibebenta sa iba para hindi nila bawiin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *