SK officials sa Muntinlupa, isasailalim sa training

Isasailalim sa training ang mga nanalong Sangguniang Kabataan (SK) officials bago makaupo sa pwesto sa Muntinlupa City.

Ito’y alinsunod sa Memorandum Circular 2013-156 ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kinakailangan ng prerequisite training bago nila opisyal na magampanan ang kanilang tungkulin.

Nakasaad din sa memo na ang National Youth Commission (NYC) central at area offices ang magsasagawa ng training at imo-monitor rin ang mga kandidato hinggil sa kanilang responsibilidad.

Isasagawa ang nasabing pagsasanay ng mga nanalong SK officials bukas sa Alabang Central Market.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *