Local News

SK officials sa Tuguegarao City, nakatanggap ng bisikleta

Nakatanggap ang lahat ng Sangguniang Kabataan ng Tuguegarao City ng bisekleta mula sa Provincial Councilors League.

Ayon kay Board Member Maila Rosario Ting Que, nasa 50 na units ng bisikleta na nagkakahalaga ng 390,000 pesos ang kanyang binili na mula sa kanyang pondo sa tulong ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

Ayon kay Ting Que, ito ay malaking tulong umano sa mga SK lalo na sa mga lugar na nakasailalim sa lockdown kung saan limitado ang mga transportasyon lalong lalo na sa kasalukuyang quarantine status ng lungsod.

Maari rin umanong gamitin ng mga SK ang bisikleta sa patuloy na paghatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan tulad na lamang ng pagbibigay ng mga ayuda at bilang daan sa mga tulong na nais ipaabot ng mga residente sa mga nangangailangan.

Dagdag pa ng opisyal, na ang kanilang ibinigay na bisikleta ay convenient, environment friendly, at nagpapaunlad sa malusog na pamumuhay 

Inaasahan naman ng mga City Councilor at Provincial Board sa mga SK Officials na mapalawak ang paggamit nito para saa serbisyo lalo na sa gitna ng pandemya.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

21 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago