Small Town Lottery sa Sariaya, Quezon, ipinatigil ni Mayor Gayeta matapos ang pagdakip sa dalawang indibidwal

Pormal na inanunsyo ni Mayor Marcelo Gayeta ng Sariaya, Quezon ang pagpapatigil ng Small Town Lottery (STL) sa bayan nito matapos ang nangyaring pagdakip sa dalawang trabahante nito.

Nakunan sa isang CCTV footage ang paghinto ng isang puting sasakyan sa harapan ng dalawang tao sa tabing kalsada at saka pinagtulungang ikarga ng limang sibilyan ang mga ito.

Ayon kay Mayor Gayeta, ito ay paglabag sa karapatang pantao ang umano’y pagdakip sa dalawang personalidad na napagkamalang ‘bookies’ sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Kung kaya’t tinawagan ng pansin ng punong bayan ang mga sibilyan na umano’y mga pulis na sangkot sa nasabing pangyayari na magkita sa tamang paraan upang dumaan sa tamang proseso ng pagpapatupad ng batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *