Smarmatic – ‘di na pinag-bid ng COMELEC para sa 2025 Elections!

Nag-umpisa na ang bidding ng Commission on Elections (COMELEC) para sa magiging susunod na supplier nito sa 2025 Automated Election System.

Sa pag-uumpisa ng bidding – kinumpirma ng COMELEC Special Bids and Awards Committee (SBAC) na tanging isa lang na kumpanya ang nagpahayag ng kagustuhang mag-bid sa proseso.

Ito ay ang joint venture na pinangunahan ng Miru Systems, na isang South Korean based firm.

Sinibukan namang mag-file ng bid ngayong umaga ng Smartmatic pero hindi na ito tinanggap pa.

Matatandaang una nang na-disqualify ng COMELEC ang Smartmatic sa bidding dahil sa ‘di umano’y maanomalyang mga nagdaang halalan.

Wala rin daw natanggap ang poll body ng kahit na anong temporary restraining order mula sa Korte Suprema hinggil sa petisyon ng Smartmatic na payagan muli silang maka-bid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *