SMNI anchors, na sina Ka Eric Celiz at Lorraine Badoy, ikinulong sa Kamara

Pina-cite-incontempt at pina-detain ang dalawang host ng Sonshine Media Network International (SMNI) kabilang si dating Usec. Lorraine Badoy.

Naunang ipinadetain si Celiz na tumangging sagutin ang mga tanong kung sino ang kaniyang source sa pagpapakalat ng impormasyon sa P1.8 billion travel fund ni House Speaker Martin Romualdez na kalauna’y inamin din na hindi pa niya nave-verify.

Kinuwestiyon naman si dating Usec. Lorraine Badoy sa mga magkakahiwalay na reklamo at kasong ibinabato sa kaniya na may kaugnayan sa umano’y pagkakalat ng mali at mapanirang impormasyon.

Sinabi ng ilang Kongresista na nagsisinungaling si Badoy, ikinalungkot ni Badoy ang desisyon ng Komite pero handa siyang tanggapin ang desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *