SMNI, umapela na bawiin ang contempt order laban sa kanila

Umapela ang kampo nina Sonshine Media Network International (SMNI) host Lorraine Badoy at Ka Eric Celiz na bawiin ang contempt order ng Kamara laban sa kanila.

Ayon kay Atty. Mark Tolentino nagsimulang maghunger strike kahapon sina Celiz at Badoy.

Ipinadetine si Celiz matapos niyang itangging ilahad kung sino ang kanyang source na nagbigay ng maling impormasyon na may P1.8 bilyon travel fund umano si Speaker Martin Romualdez.

Depensa ng kampo ni Celiz sa ilalim ng batas hindi maaaring pilitin ang mamahayag na pangalanan ang kanilang source.

Pinacontempt naman si Badoy dahil sa umanoy pagsisinungaling ng hindi magtugma ang kanilang mga testimonya ng kanyang abogado base sa isinumiteng impormasyon sa parte niya sa kita ng SMNI.

Nakatakda namang humarap sa Komete sa Lunes ang dalawang host para sa kanilang apela.

Ang mga tinukoy na nilabag umanong probisyon ay ang hindi dapat paggamit ng prangkisa para magpalaganap ng maling impormasyon, paghinggi ng permisyo sa gobyerno kapag magbabago ang may-ari ng korporasyon, at pagbenta ng 30% ng stocks nila sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *