Smuggling ng mga gulay galing China, pina-iimbestigahan na ng DA

Iniimbestigahan na ng Department of Agriculture ang nasa likod ng smuggling ng mga gulay galing sa China.

Ito ay kasunod ng pagbaha ng murang gulay galing sa Tsina na inalmahan ng mga lokal supplier.

Ayon kay DA undersecretary Noel Reyes, nagtalaga na sila ng mga tauhan na tututok at magsisiyasat kung sino ang pasimuno sa naturang smuggling dahil makaka-apekto umano ito sa lokal na magsasaka.

Inihayag ni Reyes na walang inilalabas na import permit ang kagawaran ng agrikultura para umangkat ng gulay sa ibang bansa dahil mayroon namang sapat ng suplay nito dito sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *