So.Cot, magiging pilot area ng Pabahay ng Pangulo Project

KORONADAL CITY – NAKATAKDANG maging pilot area ng Pabahay ng Pangulo Project ang lalawigan ng South Cotabato.

Ito ay isa ilalim ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD.

Inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na tinulungan nito ang isang German company sa pagpresenta ng kanilang gagamiting teknolohiya.

Napag-alaman ayon sa gobernador na ang naturang technology ay kayang makapagpatayo ng 12 bahay sa loob lamang ng anim na araw o isang 4-storey building sa loob ng isang buwan.

Sa ngayon, naghahanap na lugar na pagtatayuan ng nasabing housing project.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *