So.Cot, magkakaroon na ng Bahay Pag-asa

KORONADAL CITY- PATAPOS na ang construction ng Bahay Pag-asa ng provincial government ng South Cotabato na makikita sa Barangay Paraiso, Koronadal City. Ito ay pinondohan ng P 15 million.

Inihayag ni Provincial Social Welfare and Development Officer o PSWDO Sonia Bautista na sa Bahay Pag-asa ilalagay ang mga Children in Conflict with the Law o CICL mula sa mga bayan na wala pang katulad na pasilidad.

Sa South Cotabato, Surallah at Koronadal City pa lamang ang mga LGU na may Bahay Pag-asa. Ang dalawang palapag na edifesyo ay may kapasidad na hanggang sa 30 mga kabataan.

Sa ngayon, inaayos na ng PSWDO ang manual of operation at guidelines para dito. Inaasahan na ngayong buwan o bago matapos ang taon ay mabubuksan na ang naturang pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *