So.Cot, magtatayo ng dagdag na dog pound

MAGDADAGDAG ng dog impounding facility ang provincial government ng South Cotabato. Ayon kay Provincial Veterinary Office o PVet OIC Dr. Byron Dela Cruz na aprubado na ang pondo para sa dagdag na dog pound sa bayan ng Tupi na inaasahang masisimulan na ang construction ngayong taon.

May ipatatayo ding katulad na pasilidad sa bayan ng Polomolok. Napag-alaman na provincial government ang naglaan ng pondo para sa construction ng building habang lupa naman at manpower sa operasyon nito ang counterpart ng LGU.

Samantala, ang city government ng Koronadal ay nakapagsimula na ng construction ng kanilang sariling dog impounding facility. Sa ngayon, ang bayan ng Surallah pa lamang ang mayroong operational na dog pound kung saan inilalagay ang mga nahuhuling stray dogs.

Ang pagkakaroon ng naturang pasilidad ay bahagi ng rabies eradication program lalo na sa mga stray dogs na hindi lamang nagdadala ng rabies ngunit dahilan din ng mga aksidente sa daan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *