So.Cot, may 3 kumpirmadong kaso na ng rabies sa aso

KORONADAL CITY – NAKAPAGTALA na ang lalawigan ng South Cotabato ng tatlong kumpirmado kaso ng rabies sa aso ngayong taon. Ayon kay Provincial Veterinary Office o PVet OIC Dr. Byron Dela Cruz na dalawa rito ay naitala sa Koronadal City habang isa naman bayan Banga.

Dahil dito, inihayag ni Dela Cruz na mas palalakasin pa ng kanilang tanggapan ang anti-rabies vaccination sa mga aso at pusa sa iba’t ibang mga munisipyo bilang bahagi ng Rabies Awareness Month celebration ngayong buwan ng Marso.

Sa datos noong Pebrero, mahigit sa 4000 pa lamang nababakunahan ng anti-rabies ngunit nagpapatuloy aniya ang house to house anti-rabies vaccination ng PVet kasama ang mga munisipyo.

Noong nakaraang taon, nahigitan ng PVet ang target na 30,000 matapos na nakapagbakuna ang mga ito ng 41,000 na mga aso’t pusa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *