Local News

So.Cot, naghahanda na sa El Niño

KORONADAL CITY- PINAGHAHANDAAN na ng probinsya ng South Cotabato ang posibleng pagtama ng El Niño sa susunod na mga buwan.

Inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO OIC Rolly Aquino na batay sa forecast ng Pag-asa, nasa 80 % ang probability ng pagtama ng El Niño sa buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto na posibleng magtagal hanggang sa 1st quarter ng 2024.

Kamakailan lamang, nakipagpulong na ang PDRRMO kasama ang iba’t ibang departamento katulad ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Provincial Veterinary Office (PVet), Integrated Provincial Health Office, National Irrigation Administration (NIA), DILG, PNP at AFP kung saan tinalakay ng mga ito ang posibleng epekto ng tag-init sa mga pananim, mga hayop, at mga tao at ang mga mitigating measures na maaring ipatupad ng provincial government.

Sa ngayon, hinihintay pa ng PDRRMO ang mga proposals ng naturang mga tanggapan upang mapondohan at maaprubahan ng konseho.

Pinasiguro naman ni Aquino na handa ang lalawigan sa pagresponde at pagbibigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng El Niño phenomenon.

BNFM Koronadal

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago