So.Cot, nakatanggap ng P 65 million na halaga ng makinarya

KORONADAL CITY – UMABOT sa P 65.4 million na halaga ng farm machineries ang natanggap ng lalawigan ng South Cotabato sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program o PhilMech.

Ang mga ito ay ipinamahagi sa 26 na mga Farmer Cooperatives and Associations o FCA. Kabilang sa natanggap ng South Cotabato ang rice combine harvesters, four wheel tractors, floating tillers, hand tractors, mobile rice mills, precision seeders at recirculating dryer. Sa pamamagitan nito, inaasahan na mas mapapalakas pa ang produksyon at kita ng mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *