Soil testing o pagpapasuri ng lupa, libre para sa mga magsasaka ayon sa D.A-Bicol

BICOL – PATULOY na hinihikayat ng Department of Agriculture Bicol ang mga magsasaka sa rehiyon na ipasuri ang mga lupang sinasaka at magkaroon ng tamang kaalaman ukol sa paggamit ng abono o pataba.

Ayon sa D.A-Bicol, libre iniaalok ang soil testing para sa mga magsasaka basta’t ang mga ito ay dumaan sa Municipal Agriculturists o Agricultural Extension Workers na nakakasakop sa kanila habang mayroong namang 20% na diskwento para mga estudyante.

Paliwanag ng ahensya, ang lupa ay nagtatalaglay ng mga elementong nagsisilbing pagkain ng halaman subalit ang mga ito ay hindi sapat kung kayat kailangan din ng abono upang maging malusog at mayabong ang panamin.

Mas mainam din umanong maipasuri muna ito bago tamnan upang madetermina kung anong elemento ang kulang sa lupa.

Sa pagkuha umano ng lupang ipapasuri, mahalaga nag paghati-hatiin ang bukirin ayon sa lugar na iba iba ang kulay ng lupa, texture, uri ng datihang panamin, dami ng inilagay na abono at bilis ng pagkaagnas ng lupa dahil sa ulan o hangin.

Oras na makakuha ng mga soil samples ay dapat itong patuyuin sa lilim at iwasang magkahalo halo ang mga muwestra gayundin tiyaking hindi masasamahan ng mga dumi tulad ng upos ng sigarilyo.

Makikita naman ang kumpletong step-by-step guide sa pagkuha ng lupang ipapasuri sa kanilang mismong facebook page.

Paalala pa ng DA-Bicol sa mga may katanungan o interesadong mag-avail nito na magpadala muna ng mensahe sa e-mail ng Regional Soils Laboratory na matatagpuan sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *