SoKor, nagpaalam na sa celebrity panda na ipinadala pabalik sa China

Nagtipon ang mga panda fans sa isang amusement park sa South Korea upang magpaalam sa isang minamahal nilang higanteng panda bago ito ipadala sa China.

Naging pangunahing atraksyon na ang pandang si Fu Bao sa Everland theme park mula pa noong isinilang siya noong 2020.

Nagpapadala ang China ng mga panda sa ibang bansa bilang tanda ng mabuting kalooban, ngunit pinapanatili ang kanilang pagmamay-ari sa mga hayop.

Ayon sa zookeeper na si Kang Cheol-won, mananatiling baby panda ng South Korea si Fu Bao kahit saan man ito ipadala saan mang sulok ng mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *