Solon, iminungkahi ang pagtatayo ng secured naval bases sa WPS

Nanawagan ang isang mambabatas para sa pagtatayo ng naval “forward operating bases” (FOB) para mapalakas ang presensya ng militar sa West Philippine Sea sa gitna ng incursions ng China.

Kaugnay nito, naghain si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng House Committee on Strategic Intelligence ng House Bill 9420 na naghihimok sa gobyerno na magtatag ng “small scale naval military bases” para ma-establish ang national security at maproteksyunan ang mga mangingisdang Pilipino sa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone.

Ayon kay Pimentel, ang FOBs ay maaring itayo sa mga munisipalidad ng Balabac at Busuanga sa Palawan, alinsunod sa Philippine Navy’s strategic basing plan, habang ang isa pang base ay maaring itayo naman sa Subic Bay, na 123 nautical miles ang layo sa west ng Scarborough Shoal.

Dagdag ng mambabatas, ang panukalang proyekto ay nangangailangan ng pondo na P5 billion, na inilarawan nito bilang “drop in the bucket” mula sa kasalukuyang national budget na nagkakahalaga ng P4.5 trillion. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *