Solon- nais palawigin ang SHS program sa mga SUCs

Ikinalulungkot ng isang grupo ng mga guro ang pagpapatigil ng mga programa sa Senior High School (SHS) sa mga state universities and colleges (SUCs) kung saan malaki aniyang dagok sa mga estudyante at mga magulang ngayong pagsisimula ng taong 2024.

Sa panayaman ng Brigada News FM Manila kay House Deputy Minority Leader ACT Teachers party-list, Rep. France Castro, sinabi nito na malaki ang magiging epekto ng desisyon Department of Education at Commission on Higher Education (CHEd) sa aspetong edukasyon sa bansa.

Dagdag pa ni Castro, hindi pa handa ang mga pampublikong paaralan sa pagtanggap ng mga SHS gayong sa kasalukuyang nga ay siksikan na at hindi pa rin nga naipatatayo ang mga karagdagang silid aralan.

Samantala, ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa na ang mga displaced SHS learners ay pwede ring mag-enroll sa mga pribadong paaralan sa susunod na school year at mag-avail ng voucher program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *