Solon: P20 na bigas, posible pa rin!

Binigyang-diin ni c Representative Wilbert Lee na posible pa rin na makamit ang 20 pesos kada kilo ng bigas kung mamumuhunan ang gobyerno sa food security ng bansa.

Sa inihain ni Lee na House Bill Number 9020 o ang “Cheaper Rice Act” ay magpapatupad ang pamahalaan ng subsidy program para sa 2.6 million rice farmers.

Ipinaliwanag ng kongresista na bubuo ng Rice Incentivization, Self-Sufficiency and Enterprise o RISE program upang maglaan ng pondo para sa pagbili ng palay mula sa mga magsasaka sa mas mataas na halaga.

Ibebenta naman ito sa consumers nang mas mura.

Aatasan din ng RISE program ang Department of Agriculture, DTI at iba pang kaugnay na ahensya na lumikha ng pricing structure na sasakop sa minimum guaranteed prices sa palay.

Magkakaroon naman ng regular monitoring system na tutugon sa epekto ng bumubulusok na presyo ng palay at sistema para sa payout sa mga magsasaka base sa scenario ng mababang presyo.

Iginiit pa ni Lee na kapag nasiguro ang kita ng mga magsasaka ay wala nang makakaisip na ibenta ang kanilang lupa, magsisikap na taasan ang produksyon at mae-engganyo ang mga kabataan na pumasok sa pagsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *