Solon sa DOH: Payagan ang drive-thru COVID-19 vaccination

Hinihimok ang Department of Health (DOH) na payagan ang konseptong drive-thru vaccination sa pamamagitan ng local government units para mapabilis ang inoculation against the coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Quezon City Rep. Percy Hipolito Castelo, ang pag-set up ng drive-thru vaccination sites ay magpapaganda sa efficiency at maiiwasan ang overcrowding.

Paliwanag ni Castelo, ang pagkakaroon ng drive-thru vaccination sites ay maghihikayat sa mga may pag-aalinlangan na pumunta sa existing congested inoculation centers, dahil sa takot na mahawa ng virus.

Ibinahagi naman ng mambabatas na sa United States, mahigit 230 million katao na ang nababakunahan sa mga drive-thru vaccination areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *