Soreco Dos ipinaliwanag ang kanilang increase power rates

SORSOGON CITY – Nagbigay ng paliwanag ang Soreco Dos sa kanilang member-consumers hinggil sa pagtaas ng kanilang taripa sa kuryente na nagsimula nitong buwan ng Hunyo.

Naapektuhan umano ng mainit na panahon ang suplay kung saan maraming gumamit ng kuryente na naging dahilan ng pagkulang ng suplay nito o ang tinatawag na Law of Supply and Demand.

Nagkaroon din ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa WESM o Wholesale Electricity Spot Market, kung saan aabot sa 31.65% ang kuryente na binili dito ng Soreco Dos sa dahilang ang GMEC o GNPower Mariveles Energy Center Ltd. Co ay nagkaroon ng mga power shortages o brownout na nagresulta sa pagkakaroon ng pagkukulang ng suplay na halos umabot ng 17.52%.

Paliwanag pa ng nasabing kooperatiba na hindi nila kontrolado  ang pagtaas ng presyo ng WESM dahil sa init ng panahon subalit kailangan nilang bumili dito upang patuloy na makapagbigay sa kanilang consumers ng tuloy-tuloy na serbisyo.

Dagdag pa nito, ang pagtaas ng taripa ay hindi din kontrolado nila dahil ang taripa ng Soreco Dos na DSM o Distribution, Supply and Metering ay kinokontrol ng ERC o ng Energy Regulatory Commission, kung kaya’t walang tubo o kita ang kooperatiba.

Payo ng Soreco Dos sa kanilang consumers na gamitin ang kuryente sa tama at magtipid sa paggamit nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *