Sorsogon City DRRMO, lumagda sa MOA para sa pag-install ng VHF repeater system sa radio tower facility ng EDC

Para palakasin pa ang suporta ng bawat isa, ang Energy Development Corp (EDC) at Sorsogon City Disaster Risk and Reduction Management Office (CDRRMO), ay lumagda sa isang memorandum of agreement para sa paglalagay ng VHF repeater system sa radio tower facility ng EDC.

Ayon kay EDC Vice President at pinuno ng Corporate Support Functions na si Gina Pascual, sa pagtutulungan, mapapalakas at mapapabuti ng lokal na pamahalaan ang mga komunikasyon sa radyo sa loob ng 64 na barangay ng lungsod bilang bahagi ng DRRM Plan ng CDRRMO sa panahon ng lalamidad at emergency response.

Aniya pa, ang proyekto ay magbibigay din ng agarang localized weather forecast alerts batay sa karaniwang babala ng PAGASA at iba pang kaugnay na impormasyon sa pamamagitan ng SMS sa mga itanalagang tauhan ng CDRRMO. Ang impormasyon ay magbibigay ng tama at napapanahong  desisyon para sa LGU at sa mga nasasakupan nito sa pagtugon sa mga bagyo at katulad na mga kaganapan.

Sa pahayag naman sa Brigada News ng EDC Public relations Specialist na si France Loyola, sinabi nito na hinihintay na lang nila ang execution plan ng CDRRMO at malamang sa pangalawa o pangatlong linggo ng Oktubre ay mai-install na ang nasabing very high frequency (VHF) repeater system.

Ang repeater system ay isang mahalagang kasangkapan para sa komunikasyon at koordinasyon sa panahon ng mga natural na kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *