Sorsogon City Health Office hindi sang-ayon na luwagan ang health protocol, tutol sa planong pagtanggal ng pagsuot ng face shield

SORSOGON CITY- Hindi sang-ayon ang Sorsogon City Health Office na luwagan ang health protocol lalo na ang pagtanggal sa mandatory wearing of face shield sa mga pampublikong lugar sa lungsod ng Sorsogon.

Nang kunin ng Brigada News FM ang pahayag ni Sorsogon City Health Office Head Dr. Rolando Dealca, sinabi nito na hindi pa napapanahon para tanggalin o ipatigil ang pagsuot ng face shield.

Pangunahing dahilan nito ay hindi pa nakakalaya mula sa COVID-19 pandemic ang lalawigan  at  mataas pa ang kaso nito lalo na sa lungsod.

Ikalawa, hindi pa aniya nararating ng lalawigan ang population protection dahil ilang populasyon pa lang ang nababakunahan.

Paliwanag pa ng doktor, ang pagsusuot ng mask, face shield at social distancing ay proteksyon mula sa virus.

Nangangahulugan ito na mananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng face mask at face shiled sa mga pampublikong lugar o establisyemento sa lungsod hangga’t hindi pa ipinapayo ng City Health Office o hindi pa bumababa ang kaso ng nasabing sakit.

Ang pahayag ay kaugnay sa isang tweet ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto na pumayag na umano si Pang. Duterte na alisin na ang face shield at isuot na lamang ito ng mga nasa ospital at hindi sa pampublikong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *