Sorsogon Dive Tourism next level na; ordinansa para sa regulation ng scuba diving, lilikhain

SORSOGON CITY – Kasunod ng assessment ng mga potensyal na dive spot at ang dive certification ng mga community guide, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ay nasa proseso na ngayon ng paggawa ng isang ordinansa na magre-regulate sa mga operasyon ng scuba diving.


Hakbang ito sa layuning gawing competitive dive tourism destination ang lalawigan ng Sorsogon.


Ang paglikha ng ordinansa ay makakatulong sa pangangasiwa ng mga wastong batas at protocol upang mapanatili ang kapakanan at kaligtasan ng publiko, at pangangalaga sa kapaligiran na susuporta sa produktong turismo sa hinaharap.


Magbibigay-daan ito sa lalawigan na makapag-alok ng scuba diving activities sa pamamagitan ng mga certified Sorsoganon dive guides.


Paraan din ito upang makontrol ang operasyon ng mga tindahan ng Scuba Diving/Scuba Divers, at magtatalaga ng mga parusa sa mga lalabag dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *