Sorsogon Gov dismayado sa nadiskubreng redundant positions sa provincial LGU, halos P1B gastos sa pasahod kada taon

SORSOGON CITY—Dismayado ang bagong upong gobernador ng lalawigan ng Sorsogon matapos matuklasan na halos isang bilyong piso ang inilalabas na pondo ng provincial government para ipasahod sa 2,358 na empleyado nito kada taon.

Ito ay dahil mayroong ilang posisyon na halos pare-pareho lang naman ang function o ang mga tinatawag na redundant positions.

Sa isang panayam sinabi ni Governor Edwin Boboy Hamor na unti-unti na niya itong inaayos kung paano mawawala ang redundant positions na kanyang natuklasan sa mahigit isang buwan palang na pag upo bilang gobernador.

Aniya, sobra sobra ang mga posisyon at ang sinasahod ng ilang opisyal ngunit hindi naman umano masasabing produktibo na dapat sana ay napupunta sa mga proyekto.

Pero ang problema umano sa ngayon ay protektado ang mga nasabing posisyon ng Civil Service Commission at ng DOLE kung kaya’t pinag-aaralan niya kung paano ito maaayos at nang magamit sa ibang dapat paglaanan ang pondong nawawala sa probinsya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *