Sorsogon, nakapagtala ng 32 kaso ng may problema sa mental health

Aabot sa 32 ang naitalang kaso ng mental health sa lalawigan ng Sorsogon simula nitong January hanggang September 2023, ayon ito sa Provincial Health Office (PHO).

Sa Department of Health Biyaheng Kalusugan: Mental Health Month event sa Sorsogon, sinabi ni Dr. Maria Priscilla Fajardo, Provincial Health Officer 1 at Chief ng Field Health Services Division ng Provincial Helath Office na mula sa nasabing bilang, apat lamang ang nabigyan ng kaukulang aksyon.

Aniya ang mental health ay isa sa mga priorities o dapat pagtuunan ng pansin sa lalawigan dahil sa mataas na kaso nito.

Ayon naman kay DOH Undersectary Maria Rosario Vergeire, umabot sa 16M ang kaso o issue sa Mental Health simula noong 2021. Kaya mahalaga aniya ang pakikipag- kumusta hindi lamang sa mga ginagawa ng bawat miyembro ng pamilya, lalong-lalo na sa kanilang pag-iisip na karamihan sa mga nakakaranas nito ang young adult na mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *