Sorsogon, pangalawa sa may pinakamaraming naitalang paglabag sa election gun ban

SORSOGON CITY – Pumangalawa ang lalawigan ng Sorsogon sa nakapagtala ng mataas na bilang ng mga lumabag sa election gun ban.

Batay ito sa inilabas na datos ng PNP-Bicol  na sumasaklaw sa peryodo mula Enero 9, 2022 hanggang Mayo 18, 2022.

Nakapagtala ang Sorsogon ng 26 na bilang ng mga gun ban violation, sumusunod sa lalawigan ng Masbate na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga nahuli na may 33, pangatlo ang Camarines Sur na may 19; Albay na may 15; Camarines Norte na may 9; Naga City na may 2; at 1 naman sa Catanduanes.

Ang nasabing bilang ay mula sa 18,006 checkpoints na itinatag sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Nagbunga rin ito ng pagkakakumpiska ng 99 na sari-saring baril at 21 deadly weapons.

Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng PNP-Bicol na habang nagpapatuloy ang pagpapatupad ng gun ban ang kanilang hanay ay mananatiling matatag sa implementasyon ng mga hakbang sa seguridad upang mapanatili ang zero related incident sa rehiyon.

Kabilang na dito ang pagpapatupad ng mga kampanya laban sa kriminalidad at mga  police community relations activities upang mapanatili ang mga tagumpay at magkaroon ng mas matibay na ugnayan sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *