Sorsogon, pangatlo sa may mataas na rice production sa rehiyon

SORSOGON CITY – Base sa tala ng NFA-Bicol, pangatlo ang lalawigan ng Sorsogon na may pinakamaraming ani ng palay sa rehiyon.

Ang pahayag ay kasabay ng pagtitiyak ng nasabing opisina na ang rice production sa Bicol ay hindi kukulangin.

Sa kanilang rice inventory, may 119,878 bags pa mayroon ang rehiyon maliban pa sa bufferstock na naka-reserba.

Kung babalikan, noong unang kwarter ng taong kasalukuyan ay nakapagtala ang lalawigan ng mas mataas na ani ng palay kumpara sa nagdaang taon.

Aabot sa 2% o katumbas ng limang metriko tonelada kada ektarya ang naani ng mga magsasaka sa lalawigan.

Sa datos ng Phil Statistics Authority (PSA), lagpas 150,000 metric tons ang kabuuang output ng produkto noon na naging dahilan at nagpang-apat ang Sorsogon  sa may pinakamaraming produksyon sa buong Bicol region.

Sa kasalukuyan, nanguna ang lalawigan ng Camarines Sur na may pinakamaraming inaani at sinundan ito ng lalawigan ng Albay.

Napabilang din sa top 20 sa bansa ang Camarines Sur na may pinakamaraming ani ng palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *