Sotto, malapit nang makasali sa Gilas matapos magnegatibo ang resulta ng kanyang COVID-19 test

Malapit nang maisakatuparan ang pangarap ni Kai Sotto na makapaglaro para sa Gilas.

Naghahanda na si Kai para sa pagsali sa Philippine team na sasabak sa FIBA Asia Cup third qualifying window sa Clark mula June 16-20 at sa Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade mula June 30 hanggang July 4.

Sa kasalukuyang ay kinukumpleto pa ni Kai ang kanyang mandatory IATF quarantine matapos nito dumating sa bansa galing sa US noong May 31.

Kahapon naman ay nagnegatibo ang resulta ng COVID-19 test ni Sotto matapos ang kanyang sampung araw na hotel quarantine.

Iginiit ni Sotto na hindi na siya makapaghintay na makabalik sa court.

Mababatid na magsasanay dapat ang 19-anyos na basketbolista sa loob ng tatlong buwan sa Miami bilang paghahanda sa kanyang paglipat sa Australia sa Agosto para paghandaan ang preseason training nito na kasama ang Adelaide 36ers sa National Basketball League.

Gayunman, binago ni Sotto ang kanyang schedule matapos kumpirmahin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagdaraos ng FIBA Asia Cup qualifiers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *