Sotto: walang kinalaman ang partido sa P100 solicit signature para sa Cha Cha

Kumpiyansang sinabi ni dating Senate President at Nationalist People’s Coalition Chairman Tito Sotto na walang kinalaman ang kanilang partido sa umiikot na isyu tungkol sa people’s initiative.

Ito ay matapos maging usap-usapan nitong mga nakaraang araw ang tungkol sa pagpapapirma sa ilang residente tungkol sa Charter Change (Cha Cha) kapalit ng P100.

Maalala, ibinunyag ni Albay Representative Edcel Lagman na pinatawag ang kanyang mga mayor upang bigyan ng papel na ipapapirma sa kanilang nasasakupan.

Dito, sinasabing people’s initiative ang gagamiting moda sq pag-aamyenda ng Konstistusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *