South African woman, title holder ng Guinness bilang may pinakamaraming natimplang tsaa sa loob ng isang oras

HINAHANGGAN ngayon ang isang babae sa South Africa dahil sa kakayahan nitong magtimpla ng mahigit 200 tasa ng tsaa sa loob lamang ng isang oras.

Kinilala ng Guinness Book of World Records si Ingar Valentyn, dahil sa ipinamalas nitong kakayahan sa pagtimpla ng aabot sa 249 na tasa ng tsaa sa loob ng isang oras, gamit ang ‘roobois tea’ na isang native na tsaa mula sa South Africa.

Nasa 150 tasa lamang sana ng tsaa ang kanyang dapat na matimpla para matalo ang dating title holder subalit nagawa niya pa itong mahigitan.

Ang mga mag-aaral naman mula sa nasabing lugar ang uminom ng inihandang tsaa ni Valentyn dahil na rin sa layuning ma i-promote ang kanyang pinanggalingang lugar at makilala ito dahil sa nasabing tsaa.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *