South Cotabato at 5 lalawigan, ‘areas of concern’ sa Covid-19

KORONADAL CITY – ISA ang South Cotabato sa anim na mga lalawigan sa bansa na tinukoy ng OCTA-Research Group bilang mga “Area of Concern” dahil sa coronavirus disease o Covid-19.

Batay sa OCTA Research Group, isa umano sa mga basehan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa probinsya.

Napag-alam na sa ngayon, higit na sa 700 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa South Cotabato. Sa datos ng Department of Health (DOH) Region-12, South Cotabato ang nangunguna sa may pinaka-mataas na kaso ng Covid-19 sa apat na probinsiya ng SOCCSKSARGEN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *