South Korea, nakapagtala ng pinakamainit na panahon sa buwan ng Abril

Naranasan ng South Korea ang pinakamainit nitong temperatura ngayong Abril, ayon yan sa state weather agency ng bansa.

Nakapagtala ang Korea Meteorological Administration ng pinaka mataas na average national temperature na 14.9 degrees Celsius sa buwan na ito.

Huli pang nakapagtala ang South Korea nang ganitong temperatura noong April 1988, matapos makaranas ang bansa ng 14.7 degrees Celsius 26 taon na ang nakalipas.

Ayon sa World Meteorological Organization ng UN, mas mabilis ang pag-init ng temperatura sa mga bansa sa Asia kaysa sa global average.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *