SP Zubiri sa mga hearings – ‘wag gawing circus!’

Pinaalalahan ni Senate President Migz Zubiri ang kanyang mga kasamahan sa Senado na iwasang gamitin ang mga pagdinig para sa political persecution.

Ito ay alinsunod sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) leak na nag-uugnay sa Pangulo at sa aktres na si Maricel Soriano sa drug-use allegation.

Anya, tiniyak naman ng chair ng komite na si Senador Ronald Bato Dela Rosa na magiging maingat ito sa pagdinig ng nasabing kaso.

Kaugnay nito, nanawagan naman din ang senador sa magiging chair sa ‘Gentleman’s Agreement’ inquiry na iwasang gawing circus ang pagdinig.

Maalala, kamakailan ay naghain ng resolusyon si Senadora Risa Hontiveros tungkol sa pgsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa nasabing kasunduan ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *