SP Zubiri, walang iniutos na ceasefire sa Senado

Nilinaw ni Senate President Migz Zubiri na wala siyang inilabas na kautusan na nagsasabi sa mga kapwa niyang mga senador na makipag-ceasefire sa mga kongresista.

Giit ni Zubiri, sinabihan niya lang ang mga ito na bumalik na sa pagtatrabaho sa Senado at hayaan muna ang ingay.

Ayon kase sa ilang senador, kung di maayos o di makakabalik sa trabaho ang mga ito ay maaring walang maipasang batas para sa mga mamayang Pilipino.

Samantala, binigyang-diin naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na sa kabila ng pagbabalik nila sa trabaho ay ‘di pa rin nila ititigil ang imbestigasyon upang matukoy ang taong nasa likod ng people’s initiative (PI).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *