Speaker Martin Romualdez, nagpatutsada sa mga nagpapabagsak umano sa integridad ng Kamara

‘Walang personalan, trabaho lang.’

Ito ang iginiit ni House Speaker Martin Romualdez sa kanyang talumpati sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Kasabay ng maaanghang na patutsada laban sa mga kritiko, tiniyak ni Romualdez ang kahandaan na ipagtanggol ang Kamara mula sa mga nagbabanta at tinawag na kaunti lamang silang ang intensyon ay pagkakawatak-watak.

Punto nito, isinantabi ng mga mambabatas ang pagkakaiba ng pananaw at matapang umanong ginampanan ang mandato ng institusyon kahit may mga oportunistang gumagawa ng masamang motibo.

Dumepensa rin si Romualdez sa paggamit sa “power of the purse” ng Mababang Kapulungan nang aprubahan ang realignments sa 2024 national budget.

Wala aniyang pinaborang sinuman ang Kamara at ang layunin lang ng kabuuang proseso ay iangat ang buhay ng mamamayan at mapanatili ang prinsipyo ng “checks and balances” sa gobyerno.

Paninindigan umano nila ang mga hakbang at desisyon sa harap ng mga isyu na nagtatangkang pabagsakin ang integridad ng House of Representatives.

Pagmamalaki pa ng Speaker, bagama’t kumikilos ang iilan upang dungisan ang magandang imahe ng Kamara ay naipamalas naman ng mga nagdaang survey ang kanilang mataas na satisfaction at performance ratings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *