Special elections sa ilang barangay sa Tubaran, Lanao del Sur, nananatiling ‘glitch-free’-COMELEC

Lumarga na ngayong araw ang idinaraos na special elections sa ilang mga barangay sa bayan ng Tubaran sa Lanao del Sur.

Ayon kay Commission on Elections Commissioner George Garcia, nananatiling ‘smooth-sailing’ ang idinaraos na halalan doon.

Sa ngayon aniya, wala pa ring naitatalang mga isyu sa vote counting machines at wala pa ring mga nangyayaring technical glitches.

Nag-umpisa ang halalan kaninang umaga sa 12 barangay na mayroong 15 clustered precincts.

Mababatid na Mayo a-nueve nang magdeklara ng failure of elections sa mga lugar na ito dahil sa mga naranasang karahasan sa araw ng halalan.

Tinatayang aabot sa higit 11,000 ang bilang ng mga registered voters sa Tubaran.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *