Special Elections sa Negros Oriental, hindi na tuloy – COMELEC

Napagdesisyunan ng Commission on Elections (COMELEC) Law Department at ng En Banc na hindi na ituloy pa ang December 9 special elections para sa Representative sa Kamara ng ikatlong Distrito ng Negros Oriental.

Ito ay kasunod ng isinumiteng House Resolution ng Kamara para i-reconsider ang naturang halalan para sa nabakanteng puwesto ng nasibak na si dating Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.

Sa pulong balitaan – sinabi ni COMELEC chairperson Garcia na tinanggap nila ang rekumendasyon ng Kamara, at nire-respeto nila ang ‘wisdom’ ng Kapulungan.

Kaagad na ring inihinto ang paghahanda ng poll body para sa naturang halalan.

Kung maaalala – tatlo na sanang indibidwal ang naghain ng kani-kanilang mga certificates of candidacies (COCs) para sa puwesto.

Isa na rito ang kapatid ni Teves na si dating governor Pryde Henry Teves.

Nag-file din ng COC sina dating Navy Col. Rey Lopez na kaalyado ng napaslang na si late Governor Roel Degamo; at si Bacong Mayor Lenin Alviola.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *