Local News

Special Proram for the Employment of students (SPES), magsisimula na sa pagpoproseso sa Hunyo – PESO Legazpi

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Public Employment Service Office (PESO) Legazpi na sisimulan na sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon ang pagpoproseso para sa mga magiging benepisyaryo ng Special Program for the Employment for Students (SPES).

Ayon kay Diosdado Rañeses, Manager ng nasabing opisina, mayroon na silang napiling magiging benepisyaryo para sa nasabing programa dahil dati na silang kasama rito.

Maliban na lamang kung sila ay nakapagtapos na sa kanilang pag-aaral, magkakaroon muli ng panibagong slot sa magiging benepisyaryo.

Aabot sa 400 mag-aaral ang benepisyaryo ng programa ng lokal na pamahalaan.

Ang SPES ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga mahihirap ngunit karapat dapat na mag-aaral, out-of-school youth at mga kabataang umaasang kumita sa panahon ng bakasyon upang makatulong sa kita ng kanilang pamilya at makapagpatuloy ng kanilang pag aaral.

Sinabi ng opisyal, bibigyan ng 20 araw ng pagtatrabaho na kung saan mahigit P10 ang kanilag matatanggap na sweldo sa programa.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago