Kabilang si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na kinikonsidera sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin siya tungkol sa utak ng krimen.
Sinabi ni Remulla na naniniwala siyang maaaring mayroong hindi bababa sa dalawa o tatlong mastermind na sangkot sa kaso.
Una nang itinanggi ni Teves ang naiulat na pagkakasangkot niya sa kaso ng pagpatay sa Gobernador.
Samantala, inaasahang ilalabas ng DOJ panel of prosecutors sa Biyernes ang resolusyon sa multiple murder at multiple frustrated murder na mga reklamong inihain laban sa anim na iba pang suspek na iniharap para sa inquest proceedings noong nakaraang Huwebes.//CA
Inaresto ng Quezon City Police District ang isang nagpakilalang fencing coach matapos ireklamo ng pangmomolestiya…
Sinunog ng mga operatiba ang aabot sa P800-milyong halaga ng tuyo at tanim na marijuana…
Hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa International Criminal Court Ito…
Hinirang na pinakamagaling na chess player sa buong mundo sa girls under 12 years old…
Nilinaw ng aktor at TV host na si Dingdong Dantes na walang katotohanan ang kumakalat…
Itinaas na ng Israel ang kanilanhg bandila sa Rafah bilang simbolo na kontrolado na nila…