Senador: nais ipakita ng China na walang silbi ang PH Maritime Zones Act

Naniniwala si Special Senate Committee on PH Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na hindi na bago ang ginawang ‘reverse blocking maneuver’ ng China Coast Guard (CCG) sa supply boat ng bansa.

Una na rin kaseng inanunsyo nitong nakaraang buwan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa apat na beses ng nagsagawa ng dangerous maneuver ang CCG sa kanilang barkong mag-aabot lang sana ng tulong sa mga mangingisdang nasa Bajo de Masinloc.

Kaugnay nito, palagay ng senador mas pinagtibay lang ng China ang pangha-harass nito upang patunayan na balewala lang sa kanila ang kapapasa lang na Philippine Maritime Zones Act sa Senado at maging sa bicameral nitong mga nakaraang linggo.

Maalala, sa ilalim ng nasabing batas, itinakda ang mga hangganan ng archipelagic, internal waters at exclusive economic zones ng bansa bilang pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 Arbitral Ruling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *