SSS Legazpi branch, maagang nagsuspinde ng trabaho at transaksyon kahapon dahil sa umano’y bomb threat

LEGAZPI CITY – Lagpas 1:00 ng hapon kahapon, hindi na nagpapasok ng mga tao ang security guard ng Social Security System (SSS) Branch Legazpi dahil sa umano’y bomb threat.

Mismo ang SSS Central office umano ang naglabas ng kautusan na pansamantala munang suspendihin ang mga trabaho ng mga empleyado at transaksyon sa loob.

Ikinagulat din ito ng mga taong nagpupumilit pumasok, maging ang mga nakapila sa loob.

Hanggad ng SSS ang kaligtasan ng bawat empleyado at miyembro, kaya’t punauwi muna ang mga ito.

Hindi pa rin malinaw sa ngayon kung kailan babalik ang operasyon sa Legazpi branch.

Maliban dito, maging ang SSS Naga City, Sorsogon, Masbate, Camarines Norte at Catanduanes ay nagsuspinde rin kahapon.

Samantala, nag-ugat ito sa natanggap na bomb threat ng ilang ahensiya ng gobyerno kabilang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), at paaralan sa Quezon city, Cebu at Bataan kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *